Nagtalaga ang Supreme Court (SC) ng karagdagang 11 korte para asistihan ang Taguig City Courts, kasunod ng pagkakalipat ng 10 Barangay mula sa Makati sa Taguig City.
Ayon sa SC, kabilang dito ang pitong Regional Trial Courts (RTCs) at apat na Metropolitan Trial Courts (MeTCs) ng Makati na magsisilbing assisting courts sa Taguig City.
Sa inilabas na Resolution sa A.M. No. 23-10-01-SC na may petsang Disyembre 5,202, kabilang sa mga RTCs na inilipat sa Taguig ang sumusunod:
Branch 136, Judge Rico Sebastian D. Liwanag (Family Court); Branch 144, Judge Liza Marie R. Picardal-Tecson (Family Court); Branch 147, Judge Karla Regina D. Valera-Chua (Special Commercial Court);B ranch 63, Judge Jacob M. Montesa II (Drugs Court);
Branch 145, Judge Karen A. Matti-Sy; Branch 65, Judge Veronica B. Tongio-Igot (Drugs Court); at Branch 134, Judge Redentor Dela Cruz Cardenas.
Ang MeTCs naman ay ang Branch 61, Judge Xavier Paolo R. Del Castillo;Branch 66, Judge Niño Delvin E. Embuscado; Branch 128, Judge Maureen L. Rubio Marquez; at Branch 129, Judge Alexius P. Tang.
Epektibo ngayong Enero 2024, ang mga Offices of the Clerk of Court (OCCs) ng mga nabanggit na RTCs at MeTCs ay ino-obliga na ang partido sa mga kasong kriminal at sibil ay isasampa sa Taguig City Courts.
Ayon sa SC, sa mga urgent cases na kinakailangan ng agarang aksiyonan, ang Executive Judge ng Taguig City court ang aaksiyon bago ang kaso ay i-forward sa Makati City Court.














