Naswertehan ng isang mananaya mula Quezon City ang jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Lunes.
Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng mananaya ang kumbinasyon na 20-33-30-10-08-34. Dahil dito, iuuwi niya ang tumataginting na P72,205,456.80. Sa Quezon City umano nabili ang winning ticket.
Ito na ang ikalimang pagkakataon ngayong buwan na may isang mananaya na solong nanalo ng jackpot ng isang lotto draw.
Para makuha ang jackpot prize, kailangang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City dala ang winning ticket at dalawang ID.