Tabang Mindanao, nanawagan ng tulong na mahukay ang mga nakabaon pang bangkay sa guho

By: TONY GILDO

Nanawagan ang grupong Tabang Mindanao sa iba’t-ibang sektor para sa tulong sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Glan sa Sarangani.


Ayon kay King Belimac, leader ng grupo, kailangan pa nila ng mga professional rescuers para ma-retrieve ang iba pang mga bangkay na nasa ilalim pa ng mga guho.

Higit 20 pa aniya na mga bangkay ang kailangang mailabas mula sa mga gumuhong istraktura.

Bagama’t may mga nagbigay na ng pagkain at tubig, kailangan pa rin umano nila ng karagdagang supply upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang biktima ng lindol.


Sa ngayon aniya, ay nasa 50 porsyento na ang naibalik na supply ng kuryente subalit pahirapan pa rin anya dahil sa laki ng pinsala ng istraktura dulot ng malakas na lindol.

Hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan ang ilan sa mga kalsada dahil sa malalaking biyak ng lupa, pagkaputol ng tulay at mga nakaharang na poste at malalaking puno sa mga nasirang kalsada.




Umaasa umano ang grupong Tabang Mindanao na tutugunan ng iba’t -ibang sektor at pamahalaan ang kanilang panawagan upang damayan ang mga biktima na napinsala sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.


Tags: King Belimac

You May Also Like