Taas-presyo sa milktea namumuro

Dahil sa pagtataas ng presyo ng asukal ay posible na ring madamay sa taas-presyo ang milktea.

Kwento ng may-ari ng isang milk tea stall, mula P29 ay itinaas na niya sa P35 ang isang piraso ng kanyang medium cup milk tea, habang mula P39 ay naging P45 na ang large size.


“Kasi nagtataas mga bilihin like asukal, yung mga pangunahing ginagamit namin sa shop namin… hindi man namin gusto magtaas, kailangan talaga naman magtaas,” pahayag ni Joylyn Doloroso, may-ari ng Jad Tea’pd milktea shop sa Caloocan.

Ang milktea ay isa ngayon sa mga pinakapopular na inumin sa bansa.

Bukod sa milktea, pinangangambahan ding tumaas ang presyo ng pastries. Gaya na lamang sa isang tindahan ng macarons sa Quezon City, kung saan mula P180 ay naging P250 na ang isang box.


“Mga price increase talaga, medyo affected talaga lahat ng home bakers… yung eggs at yung sugar, yun yung common sa baking industry, ayun po heartbreaking siya,” saad ng may-ari ng Macarons Ci-Tea na si Marj Macinas.

Ang taas-presyo sa mga naturang produkto ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng pangunahin nilang sangkap – asukal.


Kahapon, Martes ay tatlong kompanya na rin ng softdrinks sa Pilipinas ang naglabas ng joint statement dahil sa kakulangan nila ng suplay ng asukal.


Tags: milk tea

You May Also Like