Latest News

SYLVIA SANCHEZ PROUD MAMA SA PAGIGING CALENDAR GIRL NI RIA

NI BETH GELENA

Pinasok na rin ni Ria Atayde ang pagpapa-sexy.

First move niya ay pagiging calendar girl ng isang brand ng alak — ang White Castle Whisky.

May blessing ng parents ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde ang pagiging calendar
girl ng anak.

Sa social media account nga ni Ibyang, very.proud niyang pinost ang mga kuhang larawan.ni Ria.at nilagyang ng caption, “I’m so proud of you Potpot. White Castle Whisky’s 2023 Calendar Girl.Love you @Ria.”

Sinagot siya ng anak, “Love.you ma.”

Maging ang boyfriend na si Zanjoe Marudo ay nakasuporta sa girlfriend. Maraming nagulat na celebrities sa pasabog ni Ria ngayong 2023.

Pero humanga sila sa stunning beauty nito at lumabas ang kanyang pagka-gorgeous lady.

Halos iisa ang reaksyon.ng kapwa celebrities sa bagong milestone ni.Ria.

Pawang heart at fire emojis ang bumaha sa kanyang socmed.account.

Ang tanong tuloy ng netizens: “After calendar girl, what next to Ria?”

Uhmmm.. yan ang aabangan ng marami kung tatanggap na rin ba siya ng sexy roles.

Tags:

You May Also Like

Most Read