Latest News

SWS: 45% ng mga Pinoy, naniniwalang hindi nabago ang lagay ng kanilang buhay sa nakalipas na isang taon

By: JANTZEN ALVIN

Nasa 45% ng mga Pinoy ang naniniwala umanong hindi nabago ang lagay ng kanilang mga buhay sa nakalipas na isang taon o 12 buwan.


Ito ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 8-11, 2023.

Sa naturang survey, nasa 30% rin ng mga Pinoy ang nagsabi na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay o yaong mga ‘gainers’ habang 25% naman ang nagsabi na lumala ang kanilang sitwasyon o yaong mga ‘losers’.

Ayon sa SWS, ang resulta ng survey ay nagbigay ng high net gainers score na +5.


Ito ay pitong puntos na mas mataas kumpara sa -2 na score noong Setyembre 2023 ngunit anim na puntos na mas mababa sa very high na +11 noong Hunyo 2023.

Anang SWS, “The Net Gainers score was generally negative until 2015, when it rose to positive numbers until the drastic deterioration [began] with the COVID-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards but has not fully recovered to pre-pandemic levels.”


Dagdag pa nito, ang net gainers score ay mas mataas sa mga non-hungry families kumpara sa hungry families.

Sinabi rin nito na ang net gainers ay nasa pinakamataas na +7 sa mga non-hungry families, o pagtaas mula sa -1 noong Setyembre 2023.


Samantala, ito ay nasa mediocre -11 sa mga moderately hungry families at nasa mababang -26 sa mga severely hungry families.

Lumitaw rin na ang mga net gainers ay tumaas mula sa fair -9 noong Setyembre hanggang sa very high na +16 sa Metro Manila.

Ang mga net gainers rin ay umakyat mula sa fair -7 sa mataas na +4 sa Visayas.



Nanatili naman itong mataas sa Balance Luzon at fair sa Mindanao.

Nabatid na ang SWS survey ay gumamit ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na nagkakaedad ng 18-taon at pataas sa buong bansa.

Sa naturang bilang, 300 ang mula sa Balance Luzon, 300 mula sa Metro Manila, 300 mula sa Visayas, at 300 mula sa Mindanao.

Mayroon itong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages at tig- ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Tags:

You May Also Like