Napuno ng kilig ang Its Showtime studio sa pagbisita ng kasintahan ni Bela Padilla na si Norman Bay na isang Switch.
Hindi maitago ang kilig ng It’s Showtime hosts at madlang Kapuso nang makilala nila ang surprise guest ni Bela sa studio.
Sa patok na segment na “And The Breadwinner Is,” nakisaya sa hulaan ang charming Swiss-Italian boyfriend ng aktres.
Kahit simple lang ang porma ng foreigner, kuhang-kuha nito ang puso ng audience dahil sa kanyang charming looks.
“Sana pinapakilala mo ko Bela doon sa [jowa] mo,” biro ni Vice Ganda nang makita si Norman sa tabi.
“At tsaka sana sinasabi mo halos pareho kami ng buhok.”
“Actually, tinerno ko nga kayong dalawa,” sagot ni Bela habang pinagmamasdan ang parehong hairstyle nina Vice at Norman.
Lumakas ang tilian ng madlang audience nang pinapunta si Norman on stage. Hindi rin mapigilan ni Bela ngumiti sa tuwa habang nahihiya rin ito sa kantiyawan ng mga host sa kanila.
“Hi Norman! Nice to meet you. My name is Anne Curtis,” patawang si Vice.
“Hoy! Hindi totoo iyan!” sigaw ni Bela.
“Hindi naman niya alam, sige na,” pakiusap ni Vice. ” Oh sige, magki-Kim Chiu na lang ako. Hi I’m Kim Chiu.”
Marami ang napa- “aaww” nang kinausap na ni Vice si Norman bilang matalik na kaibigan ni Bela.
“I really heard a lot of things about you, wonderful things about you. As Bela’s friend, I’m very happy to meet you and I’m very happy that Bela found you,” pakli ni Vice.
“That’s super sweet. Thank you,” masayang sagot ni Norman.
Sinabi ni Bela na nanonood ng It’s Showtime ang Swiss boyfriend.
Lalo pa nang sabihin ni Bela dahil kay Vice kaya nanonood ang boyfriend kaya kinilig ang Unkabogable Star.
“He watches Showtime on time,” ipinagmalaki ni Bela.
“Really? Thank you very much. Why? Because of Bela? Even if Bela is not here, please watch It’s Showtime.”
“Because of you, (Vice)” hirit ni Norman.
“Because of me? Well, I get that a lot but..” sinabi ni Vice habang kinikilig.
Nakipagkulitan din ang Swiss-Italian guest na makipag kulitan kasama ang iba pang mga host.
Sinubukan nya rin kumain ng authentic Pinoy street food kagaya ng isaw.
Kahit hindi niya maintindihan karamihan sa sinasabi ng breadwinnerables sa programa, tinulungan pa din niya si Klea Pineda na hulaan ang totoong breadwinner na street food vendor.