SUSPEK SA PAGPATAY SA ONLINE SELLER, ARESTADO

By: Baby Cuevas

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta.Ana Police Station ang gunman na bumaril at nakapatay sa isang online seller matapos ang isinagawang backtracking operation kamakalawa ng madaling araw sa No. 1855 Fabie Estate,Paco,Maynila.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng MPD-homicide section ang suspek na si Crisanto Laquindanum,38 ,vendor at nakatira sa nasabing lugar.


Ayon kay PLT Col Dionelle Brannon, hepe ng Sta Ana Police Station,lumilitaw na ang alitan sa loob ng bilangguan kung saan nakulong ang biktima at Laquindanum ,ang motibo kaya pinaalang ang biktima.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasama ng suspek na si Jameson Javier ,na siyang nagmaneho ng motorsiklong sinakyan ng suspek para makatakas.

Matatandaang pinagbabaril ang biktimang si Kyle Mario Castro,28, online seller at taga- 2423 Radium St., Brgy 775, San Andres Bukid habang hinihintay ang pagdating ng buyer ng kanyang mga ibinebentang damit sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets,Brgy 175 San Andres Bukid,Maynila.


Nasawi noon din si Castro matapos na ilang beses na barilin ni Laquindanum.


Tags: Manila Police District-Sta. Ana Police Station

You May Also Like

Most Read