Latest News

Suspek sa love scam, arestado ng NBI

By: Baby Cuevas

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang isang lalaki sangkot sa “love scam” sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Mandaluyong City.

Nahaharap sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 (2)(a) ng Revised Penal Code, in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); Possession of Dangerous Drugs under Article II, Section 11 of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Possession of Drug Paraphernalia under Article II, Section 12 of R.A. 9165,ang suspek na si Jermiah Jaime Vergara y Villanueva.

Ayon sa babaeng complainant, nakilala niya ang suspek sa isang dating app at nakatanggap siya ng private messages dito sa “Whatsapp” noong Marso 2023.

Nagkamabutihan ang suspek at complainant hanggang alukin siya ng negosyo kung saan napapayag siya na mag- invest ng halagang P350,000 na katumbas ng 10% ng halaga ng condominium na gagamitin nila sa negosyo.

Ipinangako umano ng suapek na bibigyan siya ng 10% sa kikitain sa condominium.

Noong Abril 2023, naka-kolekta pa umano ang suspek sa complainant ng P100,000 bilang karagdagang investment dahil tumaas umano ang presyo ng condominium at gayundin ng P60, 000 para sa real property tax at panibagong P60, 000 para sa pag- proseso ng kkanilang visa at plane tickets para sa kanilang biyahe papuntang Paris.

Nakakuha rin umano ang suspek ng P10, 000 at P160,000 para sa paglilipat ng titulo.

Kaaunod nito ay humingi pa ang suspek ng karagdagang P25, 000 bilang karagdagang gastos sa pag-proseso ng kanilang visa at plane tickets .

Pumayag ang complainant makipagkita sa suspek pero dahil naniniwalang na-scam ay nagtungo ito sa NBI-CCD at inireklamo ang suspek.

Nitong Enero 22,2024 ay nagtungo ang mga ahente ng NBI-CCD sa Mandaluyong City para sa entrapment operation at nang kunin nito ang marked money sa biktima ay inaresto na ito ng mga awtoridad.

Nasamsam sa suspek ang dalawang mini-metallic spoons; isang plastic bag na naglalaman ng cocaine, passport ng suspek ,apat na passbook at mobile phone.

Tags:

You May Also Like

Most Read