Suspek sa Degamo slay, ‘sinusuhulan’ umano ng isang dating taga-DOJ para huwag mag-cooperate???

Sinusuhulan umano ng isang dating opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang mga suspek sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo para huwag magbigay ng kooperasyon sa gobyerno.

Ito ang ibinulgar ni Atty.Levy Baligod, abogado ng Degamo, kasabay ng pahayag na: “We know for a fact and the secretary of justice is looking at it now that a certain high ranking official of the Department of Justice before with a rank of usec (undersecretary) is working with some jail guards at the NBI detention facility. Ino-offeran nila ng pera ‘yung detainees… para hindi sila mag-cooperate sa government.”

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maisulong ang pagsasampa ng reklamong murder laban sa umano’y ‘mastermind’ na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves dahil anim hanggang pitong testigo ang hindi na nakikipagtulungan sa gobyerno matapos na makakuha ng pribadong abogado.


Hindi naman pinangalanan ni Baligod ang dating DOJ official pero ang nabanggit na dating government official ay abogado umano.

Napag-alaman na kinausap umano ng apat na detainees si Baligod at ipinaalam sa kanya ang sitwasyon at nang tanggihan nila ang pera ay na-bully umano sila ng isang sinasabing co-mastermind sa Degamo slay.

Sinabi ni Baligod na kilala na ni Remulla ang dating opisyal at pinag-aaralan na ng DOJ ang pagsasampa ng kasong administratibo.

Pinangalanan na rin ng mga suspek ang mga umano ay sangkot na jailguard.


Sinabi ni Baligod na inaasahan nila na may mga testigo na babawiin ang kanilang testimonya pero naniniwala sila na maisulong ang kaso kay Teves sa tulong ng dalawang kapani-paniwalang testigo.

Napag-alamang isinampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ ang kasong murder laban kay Teves.

Tags: Department of Justice (DOJ), Roel Degamo

You May Also Like

Most Read