Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaking suspek may nakapatong na P90,000 reward sa ulo sa isinagawang operasyon kamakalawa ng hatinggabi sa GPL 1 Greengate, Malagasang 1G, Imus, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ni PCPT Rufino Casagan ang suspek na si Raymond Candelario y Daprosa,alyas Reymundo Candelario y Daprosa at Junjun Bait,38 ,construction worker,ng Sitio Punduhan, Brgy. Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro.
Ang suspek na wanted sa kasong murder.ay naaresto sa nabanggit na lugar alas- 11:50 ng gabi habang natutulog sa kuwarto, sa bisa ng warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Jose S. Jacinto, Jr. Branch 45.ng San Jose, Occidental Mindoro RTC na may petsang Pebrero 14,2020.
Walang Inirekomenda na piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakadetine ngayon sa MPD-DPIOU ang suspek habang hinihintay ang pagbabalik ng arrest warrant sa korte. (Arsenio Tan)














