By: JANTZEN ALVIN
DINAKIP ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang isang lalaking sangkot sa “human organ for sale” o ‘kidney for sale’ sa isinagawang operasyon noong Hulyo 11,2024 ng gabi sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, isinagawa ang operasyon kung saan siyam na indibiduwal rin ang nasagip. Apat sa mga ito ang naibenta na ang kanilang mga kidney..
Inaresto umano ang suspek sa aktong ibinibigay ang pera sa biktima na naibenta na ang kanyang kidney.
Tumanggi naman ang Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na ihayag ang pangalan ng inarestong suspek at mga biktima.
Ang operasyon ng NBI ay bunsod ng impormasyon kung saan isa sa nagbenta ng Kidney ang nagkuwento ng kidney trafficking operations sa isang TV show.
Diumano, karamihan sa mga biktima ay napangakuan ng malaking halaga ng pera kapalit ng kanilang organ.
Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek para sa kaukulang pagsasampa ng kaso, habang ang mga biktima naman ay dinala sa IACAT-run facility para sa kanilang.pangangalaga at kaligtasan.














