By: TONY GILDO
Matagumpay na naaresto sa loob ng 24 oras ang suspect na nanghold-up at nanakit sa isang turistang japanese national sa Coastal Road Barangay San Dionisio sa lungsod ng Parañaque.
Sa isang press conference sinabi ni NCRPO Chief Police Major General Anthony
Aberin, nangyari ang isidente matapos sundan ng suspect na nakilalang si Ariel Alido 49 years ang biktimang si Akira Moriyama sa naturang lugar matapos na magtungo ang biktima sa Las Pinas Parañaque Wet Land Park na nakunan sa cellphone ng isang estudyante sa eskwelahan na malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Pilit umanong kinuha ng suspect ang bag ng biktima at ng hindi nito ibinigay ang bag dito na punukpok ng matigas na bagay ang biktima na naging sanhi ng pagputok ng ulo nito, na halos mapunit ang tenga dahilan para mawalan ito malay.
Agad naman rumesponde ang barangay at mga pulis matapos na makita ito ng mga tauhan ng Cenro na nakahandusay ang biktima sa lugar.
Matapos nito agad na nagsagawan ng back tracking ang mga personnel ng Parañaque City Police Station sa pangunguna ni P/ Col. Nicolas Pin¨on kung saan dito na naaresto ang suspect ng wala pang 24 oras.
Nagpasalamat naman si Parañaque City Administrator Ding Soriano sa Parañaque Police matapos nang maaresto ang suspect.
Sinabi ni Aberin na ang naturang hakbang na ginawa ng Parañaque Police ay pagpapatunay lamang na ang koordinasyon sa pagitan ng mamamayan at mga pulis at ang advance technology tulad ng mga CCTV ay paraan paea mas madaling maresolba ang anumang krimen.














