Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapag-establisH na ng isang surveillance system sa bansa na kayang maka-detect ng Nipah virus (NiV) na nagmula sa India.
Ayon sa DOH, matagal na umano silang nakaalerto sa Nipah virus.
“The DOH has established a surveillance system to monitor if additional cases will appear, but, to date, no similar health events have been detected,” ayon sa DOH.
Tiniyak din ng DOH na patuloy na pinaiigting ang pagbabantay sa iba’t-Ibang sakIt kabilang na ang Nipah virus sa pamamagitan ng Infection Prevention Contro l(IPC) para mapigil ang transmisyon ng impeksiyon.
Napag-alamang ang NiV ay isang zoonotic virus na maaring kumalat sa pagitan ng hayup gaya ng fruits, bats and pigs , gayundin sa tao.
Nabatid sa DOH na ang NiV ay may kaugnayan sa encephalitis o pamamaga ng utak at maaring maging sanhi ng mild hanggang severe illness, maging ng kamatayan.
Nalaman sa DOH na may naitalang isang kaso ng NiV sa bansa sa Sultan Kudarat noong 2014 at may 17 pinaghihinalaang kaso noong Abri 2014 at walo ang gumaling habang siyam ang nasawi .














