Latest News

SUPREME COURT, MAGLULUWAG NA MULA PEBRERO 17

MAGLULUWAG na ang Supreme Court (SC) sa mga ipinatutupad na panuntunan kasunod ng paglalagay ng IATF sa National Capital Region(NCR) sa Alert Level 2.

Simula Pebrero 17 ay maaari na muli magtungo sa SC para personal na maghain ng mga pleading.

Base sa inilabas na memorandum order ni Chief Justice Alexander Gesmundo, papayagan na muli ang personal na paghahain ng mga pleadings at court submissions sa SC.


Nabatid na dinagdagan na rin ang operational capacity ng mga tanggapan sa SC na hindi bababa sa 80% ng workforce ng bawat opisina o dibisyon SC ang papasok on-site.

Samantala , 100 porsyento naman ng mga empleyado sa Medical and Dental Services, Security Division, Maintenance Division, at Motorpool Section ay dapat pisikal na papasok.

Nalaman na alas 9 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes ang opisyal na pasok ng mga empleyado ng SC. (Carl Angelo)


Tags:

You May Also Like

Most Read