Ubos na ang 390,000 doses ng COVID-19 bivalent vaccine na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH)sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Health Department (MHD) na pinamumunuan ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan,,itinigil muna ang pagbibigay ng COVID- 19 bivalent vaccines habang hinihintay pa ang susunod na ibibigay na supply ng DOH.
Inihayag ng city government na naipamahagi na nilang lahat ang COVID-19 bivalent vaccine sa mga kuwalipikadong residente ng Maynila.
Ang bivalent vaccines ay ibinibigay para magkaroon ng immunity ang tao laban sa original at Omicron variants ng COVID19.
Ang mga inuna ay ang mga health workers, senior citizens at residente sa Maynila na may comorbidities, batay sa atas ng DOH.














