Suporta sa Migrante at OFWs, paiigtingin pa ng Simbahan

Paiigtingin pa ng Simbahang Katoliko, ang pagbibigay ng suporta sa mga migrante at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta trabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos,kaaunid nang pagtatatag ng Diocesan Migrants’ Ministry sa Diyosesis ng Balanga na dinaluhan ni Vatican Migrants’ and Refugees Section undersecretary Fr. Fabio Baggio, CS.


“Alam natin na ang puso ng ating Santo Papa [Francisco] ay puso na malapit sa’ting mga migrants and refugees. Pusong nagmamahal, pusong naglilingkod, at pusong nagmamalasakit para sa kanila… Tulad ng sinabi ng Santo Papa, hindi dapat natin pabayaan ang mga migrante at sa halip, dapat natin silang alagaan at ingatan,” ani Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Sa datos ng United Nations Refugee Agency nasa 82 milyong indibidwal ang napilitang lumikas sa kani-kanilang bansa dahil sa kagutuman, kahirapan at karahasang naranasan.

Nauna nang nanawagan sa mamamayan ang Simbahang Katolika na maging pamilya at taos-pusong tanggapin ang mga migrants at refugee na nangangailangan ng tulong at gabay upang muling makapagsimula ng panibagong buhay. (Anthony Quindoy)


Tags: Balanga Bishop Ruperto Santos

You May Also Like

Most Read