Latest News

“Supermax” jail facility sa Sablayan

Hiniling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Senado na hanapan ng pondo ang nais niyang “Supermax” jail facility sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Nabatid na naka-disenyo para sa may 2,000 hardened criminals o yung mga inmate na dapat ilagay sa maximun security ang Supermax na gugugulan ng P4 bilyon.

Ang naturang pasilidad ay nak- disenyo para sa mga “drug players” at mga kilalang tao na hindi dapat na maabit ng sinuman.

“What we can do here is first build a facility, build the ‘supermax’ in Occidental Mindoro within the next 15 months. Dapat yan magawa yan, matapos yan 15-20 months at the most,” ayon kay Remulla.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na ang DOJ sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng nasabing pasilidad.

“We’re doing the studies now, the design. Everything has to be in by the end of the year, so that in New Year, we will start implementing already,” dagdag ni Remulla.

Napag-alaman na ang mga inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) na nasa Minimum at Medium Security Compounds ay ililipat sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Samantala,.magpapatupad naman ng polisiya si Bureau of Corrections, officer-in-charge Gregorio Pio Catapang ng bagong polisiya na puputol sa linya ng komunikasyon sa pasilidad. (Anthony Quindoy)

 

Tags:

You May Also Like

Most Read