Binuksan na sa publiko ang itinayong “Super Health Center” sa Zamboanga City.
Nabatid na sa pamamagitan ni Health Undersecretary Abdullah Dumama Jr. At Center for Health Development- Region IX Regional Director Joshua Brillantes, ay itinurn-over ang Super Health Center sa Brgy. Sangali, Zamboanga City.
Dumalo rin sa turnover ceremony sina Zamboanga City Mayor Hon. John Dalipe at Jade Jamolod, kinatawan ni Senator Bong Go.
“Ang pagpapatayo ng super health centers sa mga rural areas ay mahalaga upang makapagbigay ng ligtas, dekalidad, at mapagkalingang serbisyo sa mga Pilipino. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan, dahil hindi na nila kailangan pang pumunta sa mas malalayong lugar upang magpagamot,” ani Dumama.
Nabatid na katuwang ng DOH ang iba pang mga ahensya at mga partner sa pagpapalawig ng Universal Health Care services.
Ito umano ay naaayon rin sa Eight-Point Action Agenda ni Secretary Teodoro Hebosa na maramdaman ng bawat Pilipino ang kalusugan.