SUNOG, SUMIKLAB SA TONDO, ISANG BABAE, SUGATAN

By: Baby Cuevas

ISANG babae ang nasugatan matapos na sumiklab ang isang sunog sa isang residential area kahapon ng hapon sa. Nepa Street sa Balut,Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog pasado ala- 1 ng hapon na umabot sa unang alarma at idineklarang fire control alas- 2:30 ng hapon.


Diumano, isang babae ang nasugatan sa kamay at kaagad na binigyan ng paunang lunas.

Samantala, nahirapan naman umano ang mga bumbero at fire volunteer na apulain ang sunog dahil maraming obstruction at maliit ang kalsada sa nasabing lugar.

Iniimbestigahan pa ang sanhi.ng sunog at halaga ng.napinsalang ari-arian.


You May Also Like

Most Read