Latest News

SUNOG SA TONDO, 27 KABAHAYAN NATUPOK

By: Baby Cuevas

Natupok sa sunog ang 27 kabahayan matapos na sumiklab ang sunog noong Linggo ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw sa Antonio Rivera St cor Tayuman St Tondo, Maynila.

Ayon kay /Insp Ronald Lim Ronald Lim ng Manila Bureau of Fire Protection Manila Station 1, nagsimula ang sunog alas- 9:22 ng gabi na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire-out’ ala- 1:32 ng madaling araw.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at naging. mahirap sa mga bumbero na patayin ang apoy dahil maliit ang eskinita.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa nabanggit na sunog bagama’t karamihan sa mga residente ay walang naisalba na kagamitan at pinoproblema rin ngayon ng mga residente kung saan sila pansamantalang titira.

Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng sunog.

Tags:

You May Also Like

Most Read