Sunog sa Binondo, tumagal nang 14 na oras

By: Baby Cuevas

Tumagal nang mahigit 14 na oras ang naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa ka-28 palapag ng isang high rise commercial building sa Binondo, Maynila. bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa pinakahuling update, inilabas ng BFP alas- 2:12 nang ideklarang fire under control ang naganap na sunog na tumupok sa pinakamataas na palapag ng gusali.


Patuloy namang nagsasagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng BFP at inaalam ang pinagmulan ng sunog sa Sun Joy Tower na matatagpuan sa Poblete Street, Dasmariñas St., Binondo, Maynila.

Nabatid na alas- 12:36 ng tanghali kamakalawa, Disyembre 4, nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Nahirapan ang BFP na kaagad apulahin ang sunog dahil sa napakataas ng gusali.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read