SUNOG SA BINONDO SUMIKLAB, DALAWANG KASAMBAHAY NASAWI

By: Baby Cuevas

Dalawang kasambahay ang nasawi nang sumiklab, ang isang sunog ,kahapon ng madaling araw sa ika -35 palabag ng 56 storey na condominium na matatagpuan sa Ongpin Street sa Binondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 3:25 ng madaling araw sa Unit 35-A ng Anchor Sky Suit sa may Ongpin St.Binondo ,Maynila na inookupa ni Hanshong Chua,ilang oras pa lamang ang nakakalipas matapos ang pagdiriwang Ng Chinese New Year.


Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang ‘fire out’ alas-4:51 ng madaling araw.

Ayon kay Fire Senior Inspector Cesar Babante, nag-panic umano ang lalaking umookupa ng unit at kaagad na lumabas matapos na makita ang usok at hindi na nito nagising ang dalawang kasambahay na na-trap sa loob.

Hindi naman kumalat sa iba pang unit ang apoy at pinabalik rin ang mga umookupa sa kanilang mga unit.


Itinataya ng BFP na aabot sa P4.5 milyon ang halaga nang napinsalang ari-arian.

Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson ang sanhi ng sunog.


Tags: Bureau of Fire Protection (BFP)

You May Also Like