Latest News

SUNOG DAHIL SA CELLPHONE CHARGER

NASUNOG ang isang commercial area dahil sa sumiklab na cellphone charger kahapon ng umaga sa Kalaw corner Mabini Streets sa Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection(BFP) nagsimula ang sunog sa Koikoi Karaoke alas-11 ng umaga.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out ,alas 12:43 ng hapon.


Sinabi ni Honorio Abiso , umookupa sa isang notary public office sa ikalawang palapag ng establisimiyento, nakita niya na sumiklab ang charger ng isang cellphone na naiwan doon.

Nadamay at nasunog ang mga katabing establisimiyento sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, umabot umano sa P150,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Wala namang naulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog, maliban sa isang pusa na nakita ng may-ari na may mga paso sa katawan.


Tags:

You May Also Like

Most Read