Latest News

SUNDALO PATAY, 7 PA SUGATAN SA AMBUSHED NG MGA LAWLESS ELEMENTS

By: Victor Baldemor Ruiz

PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Western Mindanao Command ang grupo ng mga hinihinalang lawless elements na nasa likod ng pananambang kay Vice Mayor Ahmadin Baharim ng Ungkaya Pukan, at trop ng 64th Infantry Battalion at mga pulis na kabilang sa Joint Peace and Security Team (JPST) nitong nakalipas na lingo.

Isang sundalo ang nasawi habang pitong kasamahan ang sugatan kabilang ang isang pulis matapos ang ilang minutong bakbakan sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan.

Sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army na pinamumunuan ngayon ng dating WESMINCOM Commander Lt. Gen Roy Galido bandang alas 3:45 ng hapon ng tambangan ang isang pulutong ng Alpha Company ng 64IB, kasama si Vice Mayor Ahmadin Baharim ng Ungkaya Pukan at JPST habang lulan ng dalawang KM 450 military truck at dalawang civilian vehicles pagsapit sa Barangay Ulitan na humigit kumulang sa sampung hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na nagsagawa ng ocular inspection ang grupo sa nasabing barangay bilang paghahanda sa gaganaping Outreach Program sa susunod n lingo.

Nakaganti rin agad ng putok ang mga sundalo na tumagal ng ilang minutong bakbakan subalit isang sundalo ang napuruhan at ikinasugat din ng anim na mga kasamahan nito at isang pulis

“This act is a clear manifestation of the perpetrators’ disrespect to their local government officials, the military, and their fellow Basileños, hence, we will not stop until these heartless individuals are identified and neutralized, ayon sa inilabas na pahayag ni Army Major Andrew M . Linao, WESTMINCOM PIO chief.

Dagdag pa ni Maj Linao,”Rest assured that this incident will not be tolerated and we will work doubly to disallow the malefactors to perpetrate such incident.”

Tags:

You May Also Like

Most Read