Latest News

SUNDALO AT CPP-NPA REBEL PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang isang sundalo ng Philippine Army, habang isa ring kasapi ng Communist Party of the Philippines’ armed wing, ang New People’s Army, ang nasawi sa magkahiwalay na engkwentro sa Eastern Visayas.

Sa paunang ulat, patay ang isang communist terrorist habang tatlong mataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng militar matapos ang sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Hitapi-an, Catubig, Northern Samar.

Nagsasagawa ng ‘focus military operation’ ang mga elemento ng 20th Infantry “We Lead” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers Division, Philippine Army, bunsod ng sumbong ng mga residente hinggil sa presensya ng mga NPA na nagingikil sa lugar .


Tumagal ng mahigit 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ng nakalabang remnants ng Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU) of the Front Committee-15, Sub-Regional Committee (SRC) ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Agad na umatras ang mga rebelde nang makitang may mga sugatan na sa kanilang hanay at inabandona ang nasawing kasamahan na kinilalang si Lino Pajanustan Norcio alias Kidlat.


Nabawi ng military ang dalawang M16 Armalite rifles at isang R4 Assault rifle, ayon kay 20th Infantry Battalion, commanding officer Lt. Col. Richard P. Villaflor .

Samantala, napatay naman ng mga hinihinalang NPA ang isang sundalo sa naganap na engkuwentro sa Barangay Nagbac, Jiabong, Samar na nakilalang si Sgt. Leo Jabinar.


Si Sgt. Jabinar ay nakatalaga sa Mobile Community Support Sustainment Program team na naatasang pangalagaan ang delivery of basic services sa lugar.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pulong-pulong, kasama ang ilang barangay officials at residente, ang mga tauhan ng MCSSP team nang paulanan sila ng bala ng mga NPA.

Agad na nagpahatid ng kanyang pakikiramay si Maj. Gen. Camilo Z. Ligayo, commander ng 8th Infantry Division, sa pamilya ng nasawi sundalo ,

Kasabay ito ng pagtiyak na hindi masasayang ang kabayanihan ni Sgt Jabinar at hindi nila titigilan ang pagdurog sa nalalabing CPP-npa sa kanilang nasasakupan.

“His sacrifice will be remembered and honored by his comrades and this nation. His heroism and dedication will never be forgotten,” dagdag pa ni Maj. Gen. Ligayo.

Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read