Latest News

SULTAN KUDARAT MASSACRE, 4 PATAY, ISA PA SUGATAN

ISANG malawakang manhunt operation ang inilunsad ng PNP-Police Regional Office 12 laban sa mga armadong kalalakihan na sinasabing nasa likod ng brutal na pagpatay sa apat na miyembro ng pamilya, dalawa rito ay mga bata Brig. Gen. Alexander Tagum, regional director ng PNP-PRO12 kahapon.

Ayon kay PBGen Tagum, tuloy tuloy ang ginagawa nilang pagtugis sa mga salarin para managot sa kanilang krimeng ginawa sa isang pamilya sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkasawi ng apat na magkapamilya .

“Corresponding criminal cases shall also be filed very soon against the culprits,”anang opisyal .


Sa inisyal na ulat ng Lebak Municipal Police Station nitong Miyerkules brutal na pinagbabaril ng mga suspek sina Jimmy Capisenio, 59, ang asawa nitong si Aida, 58 anyos , ang kanilang apo na sina Jimmy Pakamanan, 11, at walong taong gulang na si Esmairha Capisenio, pawang residente ng Center 1, Barangay Taguisa sa nabanggit na bayan.

Sinasabing nangunguha lamang ng talaba at mga tahong sa tabing dagat sakop ng Sitio Tuka sa Barangay Datu Karon nang pagbabarilin sila sa ulo gamit ang M-16 armalite rifles.

Habang sugatan naman si Jay-ar Kamaman Capiceño, 28, na tinamaan sa hita at agad na dinala sa Sultan Kudarat District Hospital.

Isang sampung taong gulang na kinilalang si Jay-Ar Capisenio, ang nagawang makatakbo ang na rescue na ng mga awtoridad.


Kasalukuyang inaalam pa ang kakikilanlan ng ibang suspek at motibo sa likod ng karumaldumal na krimen

Ayon kay Maj. Joel Martinez, hepe ng Lebak Municipal Police Station kasalukuyang nakikipag ugnayan ang mga imbestigador sa mga traditional community leaders at barangay officials para sa ikadarakip ng mga suspek.

Ayon kay Martinez, nangyari ang walang habas na pamamaril sa magkapamilya sa Salunganan, Sitio Tuka, Barangay Datu na sakop ng 104th Base Command ng MILF Community kung saan nakilala ang mga suspek na sina Den Den Rakman Saludin, Dick Datumanong at isang pang unidentified na kasama ng mga ito na pawang kasapi umano ng 104th MILF Base Command. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read