Suicide ng booth camp manager, naka-video

By: Philip Reyes

Nagpadala sa “messenger” ng kanyang girlfriend at nagpaalam pa sa kanyang mga kaibigan sa video bago tuluyang nagbigti ang isang 27-anyos na Booth Camp Manager , kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ni PCpl. Gary Reyes, ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Charles Dave Dela Peña, may-asawa at taga 1203-B Remedios Road, Otis, Pandacan, Maynila.

Ayon kay Edita Coles, kapitbahay ng biktima, alas 10:30 ng gabi nang makarinig siya ng malakas na kalabog sa kuwarto ng biktima.


Nang tingnan nakita niya na natanggal sa pinagtalian ang lubid na itim na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa mga kamaganak ng biktima at sa Barangay para tumawag ng pulis.

Sa impormasyon nakuha kay Aira Jayne Alcabale, 22,teacher at girlfriend ng biktima, bago tuluyang magbigti ay nagpadala pa ng video sa kanyang messenger ang biktima.

Nakita umano ni Alcabale na may nakapulupot na lubid sa leeg ng biktima at nagpaalam na ito sa kanya at sa kanyang mga kaibigan bago isinagawa ang pagbibigti.

Hindi naman idinetalye ni Alcabale kung nagkaroon sila ng tampuhan ng nobyo kung kaya ito nagbigti.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read