Latest News

Suhol para tumestigo laban kay Teves, kalokohan — Remulla

By: Carl Angelo

Itinuturing ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “kalokohan” at “basura”,Ang alegasyon ng kampo ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na tinangka umanong suhulan ng Isang opisyal ng DOJ ang Isa sa umano’y mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Ayon kay Remulla may mahalagang bahagi at maaring ituring na executive producer si Marvin Miranda sa pagpaslang kay Degamo.

Sa halip, Sinabi ni Remulla na Ang kampo ni Teves ang nag alok ng tig-P8 milyon sa mga naarestong suspek.


Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio,abogado ni Teves base sa kanilang natanggap na impormasyon,inalok umano ng malaking halaga si Miranda na tumestigo laban kay Teves.

“Yes, if I’m not mistaken, our initial report indicated that they were offered P8 million each… P8 million each was offered to the suspects to make them change their statements,”ayon kay Remulla.


Gayunman,sinabi ni Remulla na Hindi niya alam kung natanggap na ng mga suspek ang pera.


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Negros Oriental Representative Arnolfo "Arnie" Teves Jr.

You May Also Like

Most Read