NAG-REACT na si Sugar Mercado sa rumor tungkol sa kanila ng TV host na si Willie Revillame.
Ano nga ba ang real score sa dalawang celebrity na ito?
May sitsit kasing matagal nang may relasyon ang dalawang TV hosts.
Dating co-host ni Kuya Wil ang former dancer/actress na si Sugar sa kanyang game show.
Kamakailan lang, may lumabas na isyu na seven years na raw ang relasyon ang dalawa.
Nakuhanan naman ng pahayag si Sugar hinggil sa isyu at aniya:
“Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun, e. Saka basta okay kami, huwag nang palakihin. Okay kami ni Kuya Wil.”
Grateful daw siya dahil isa siya sa maraming natutulungan ng TV host at mahal daw niya ang mga taong tumutulong sa kanya.
Si Kuya Wil daw ang isa sa tumulong sa kanya when she was struggling.
Si Kuya Wil nga pala ay tatakbong senador sa 2025 midterm election.
Sa tanong kung tutulungan ba niya sa pangangampanya ang TV host, safe and sagot ni Sugar.
She will be where she can earn money and she’s just being practical as a single mother.
Ang mensahe niya sa TV host:
“Nasaksihan naman natin lahat. Di lang ako ang natulungan niya guys. Maraming mahihirap at saksing-buhay din ako sa mga natulungan niya. Hindi lang po ako, uulitin ko. Saksing-buhay tayong lahat na tumutulong talaga siya sa mahirap. Kung ako ang tatanungin, iboboto ko siya.”