Latest News

Substitution ng kandidato dahil sa pag-atras ng candidacy, bawal na – Comelec

By: Baby Cuevas

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na umano pahihintulutan pa ang substitution ng kandidato dahil sa pag-atras nito ng kandidatura, matapos ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Nagdesisyon ang Comelec en banc na sabay nang idaos ang COC filing at ang withdrawal at substitution of candidates.

“Wala nang substitution after the last day ng filing ng COC,” ayon kay Comelec chairman George Garcia.

Sinabi ng poll chief na unanimously, ay inaprubahan ng en banc ang kanyang panukala na idaos sa Oktubre 1 hanggang 8 ang COC filing, at isabay na dito ang paghahain ng withdrawal at substitution.

Gayunman, pahihintulutan pa rin naman aniya ang substitution, na lampas sa October 8 deadline, kung sakaling namatay o nadiskuwalipika ang isang kandidato.

Tags:

You May Also Like

Most Read