Subpoena kay Tumbado, di naisilbi

By: Carl Angelo

Nabigo ang National Bureau of Investigation (NBI)na maisilbi ang subpoena kay dating Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) information officer Jeffrey Tumbado dahil mali umano ang ibinigay nitong address ng kanyang tinitirhan.

Gayunman,tiniyak ni Justice Assistant Secretary at spokesperson Mico Clavano na gumagawa na ng paraan ang NBI para maisilbi ito sa tamang address ni Tumbado.


“I can verify that despite the issuance of a subpoena, it could not be served due to the inaccurate address on Mr. Tumbado’s affidavit. The NBI has ascertained that no such address exists. Presently, the NBI is in the process of serving a new subpoena to the correct address. Regrettably, this delay will slightly extend the procedural timeline, as Mr. Tumbado was originally scheduled to appear on Monday had the correct address been provided. He may contact the NBI if he still intends to appear on Monday, ” ayon kay Clavano.

Una nang ibinulgar ni Tumbado ang korapsiyon sa LTFRB na naging daan para suspindihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si LTFRB chairman Teofilo Guadiz III .

Gayunman,idinetalye ni Tumbado sa dalawang pahinang “affidavit of recantation” na ang nauna niyang rebelasyon ay ginawa niya dahil sa pagkabigla, maling pag-iisip at misjudgement.


Humingi din siya ng paumanhin kay Guadiz, Transportation Secretary Jaime Bautista at sa Office of the President dahil sa walang basehan na akusasyon

Sa kabila ng pagbawi ni Tumbado sa kanyang naging pahayag, naniniwala siya na may mahahalagang isyu na dapat na bigyan ng agarang atensiyon ng ahensiya.
.
Unang ibinulgar ni Tumbado na humihingi ng P5 milyon amg LTFRB para mapabilis ang request na franchise applications, special permits at route modifications.


Sinabi din ni Tumbado na ang korupsiyon sa LTFRB ay umakyat na hanggang sa pinakamataas na level ng gobyerno.


Tags: Jeffrey Tumbado

You May Also Like

Most Read