‘STRONG OPERATIONAL RESULTS’, INIULAT NG NNIC SA KASAGSAGAN NG ‘UNDAS’

By: Jerry S. Tan

Ipinagmamalaki ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang private sector operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na nakamit nito ang “strong operational performance” sa kasagsagan ng pagdaraos ng ‘Undas’ peak travel period.

Ito kasi ang kauna-unahang maituturing na ‘major test’ sa NNIC mula nang mag-takeover ito ng management sa NAIA Terminals noong September 14, 2024.

Sinabi ni NNIC manager Lito Alvarez na sa pagitan ng October 29 at November 4, umabot sa 932,405 passengers at 5,627 flights ang pinangasiwaan nila sa NAIA. Ito umano ay ‘record volumes’ na hindi nakita sa mga pangunahing terminal ng bansa sa loob ng nakalipas na apat na taon.


Sa kabila nang dalawang buwan pa lamang nila nahawakan ang operasyon ng NAIA, sinabi ni Alvarez na ang NNIC ay nakakuha ng 87.99% on-time performance (OTP) para sa mga parating na flights at nalagpasan pa ang industry standard nang 80%. Ito umano ay sa gitna nang ang NAIA ay 76-anyos na at patuloy na nahaharap ang management sa matinding limitasyon sa kapasidad nito.

Maliwanag umano sa mga achievement na naging epektibo ang pag-manage ng NNIC sa mga incoming aircraft flow at pagkakaroon ng maayos na arrival experience para sa mga pasahero.

Ang departure OTP (on-time performance) naman ay bumaba sa standard sa 75.46%, na sumasalamin sa mga hamon ng baggage handling processes.

“A key factor contributing to these are malfunctions and breakdowns of lower deck loaders of airlines and their ground handlers. These equipment are used to load and unload baggage from the aircraft’s lower cargo hold,” paliwanag ng NNIC.


Ang mga isyu na ito na pinalala ng kawalan ng available loaders at kakulangann ng staff ay nagbunga ng baggage delays sa gitna ng ‘Undas’ peak season. Ang mahabang pila sa immigration ay nakadagdag din umano sa mga hirap na dinaranas ng management sa pangangasiwa sa operasyon ng mga airports.

NNIC has been actively engaged with airlines and their ground handlers to address these challenges. The operator has been meeting with them to discuss solutions, which include airlines and their ground handlers investing in additional baggage-handling equipment, such as lower deck loaders and increasing manpower to ensure sufficient staffing levels. These discussions also focus on implementing other measures to expedite baggage delivery and minimize passenger inconvenience,” pagtitiyak ni Alvarez.

Nito palang July ay bumili ang NNIC ng bagong explosive detection system (EDS) na isasama sa baggage handling system sa Terminal 3.

Habang ang kasalukuyang 20-year-old system ay nasira kelan lang, may mga ‘redundancy measures’ na agad ipinatupad upang matiyak ang patuloy na seguridad at pagiging epektibo ng operasyon. Ang bagong sistema ay inaasahang darating at mailalagay na sa airports sa unang bahagi ng 2025.


***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read