Natagpuang wala nang buhay ang 61-anyos na “striker” ng Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng MPD Headquarters sa United Nation.Avenue, Ermita, Maynila kahapon ng umaga.
Kinilala ni PSSg Rodolfo Acosta III, imbestigador ng MPD-homicide section, ang biktimang si Felipe Corate, taga #2027 Kahilum St., Paco, Maynila.
Alas- 5:15 ng umaga nang makita ni Pat .Rico Maquiraya na nakahiga sa folding bed ang biktima at wala nang buhay.
Huling nakitang buhay ang biktima alas-3 ng madaling araw habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan na si Cristobal Digma.
Sa impormasyon nakuha, may ilang linggo na umanong inirereklamo ng biktima ang pananakit ng kanyang tiyan at nahihirapan din umano itong huminga. Wala naman nakitang sugat sa katawan ang biktima na dinala ang mga labi sa funeral parlor.