Kalat na umano ang sexually- transmitted Diseases (STDs) sa mga workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ito ang nadiskubre ng Department of Justice (DOJ) pero hindi pa tiyak kung gaano kalawak ang infections.
Ayon kay DOJ spokesman Mico Clavano,nakipag- koordinasyon na ang DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon sa naturang isyu.
“It’s really quite sad to say that ang DOJ nakakuha ng iba’t ibang reports tungkol dito sa pag-spread ng STDs. And per our reports, we don’t know the full extent of it yet. But in several reports may mga cases na 15 to 20 sa isang POGO company,” ani Clavano.
“This is really part of the report that we’re asking from the NBI to determine the full extent of this. Hindi natin aantayin na umabot pa ito sa ating mga kababayang Pilipino,” dagdag pa nito.
Umaasa umano nila na matitigil ang.lahat ng krimen at iba pang hindi magandang epekto ng pananatili ng.mga Chinese nationals sa bansa.
Una nang sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong.Linggo na may 48,782 Chinese POGO workers ang kakanselahin ang alien visa.
Ito ay kasunod ng plano na i-deport ang may 2,000 POGO workers. (Carl Angelo)














