Latest News

State visit ni PFMJ sa China, napaka-importante sa ekonomiya ng Pilipinas

Umaasa ang isang malaking business group sa bansa na ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos sa China ay makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Tinawag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na “very important,” sa ekonomiya ng Pilipinas at bilang trade partner ang naturang pagbisita ni Marcos sa China.

Napag-alaman na 11 opisyal ng FFCCCII ang kabilang sa 85 business tycoons at entrepreneurs ang magiging bahagi ng delegasyon ni Marcos sa Beijing.

“The top three things we want to accomplish – bring as many tourists as possible, sign areas of cooperation in agriculture and fisheries, and third, industrial companies in China to invest in PH like Thailand and Vietnam,” ayon kau FFCCCII president Henry Lim Bon Liong.

Kaugnay nito,hindi pa nagbibigay ng detalye ang Malacañang sa state visit ni Marcos at posibleng agreements na ilalatag.

Gayunman,umaasa ang business group na palalakasin pa nito ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa hanay ng agriculture, trade, infrastructure, energy, tourism at people-to-people exchanges.

Isusulong rin ng FFCCCII ,ang posibleng joint exploration sa West Philippine Sea (WPS). (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read