State of Public Health Emergency, hirit na tanggalin na

Hiniling ng Philippine College of Physicians (PCP) sa gobyerno na alisin na ang state of public health emergency pero panatilihin ang pagsusuot ng facemask.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin ng PCP, mababa na naman ang mga kaso ng COVID-19 pero dapat panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask dahil ito ang nagbibigay ng proteksiyon laban sa respiratory illness.


Kaugnay nito,kinontra naman ni Health Usec Maria Rosario Vergeire ang panawagan ni Limpin at sinabi nito na hindi pa napapanahon na alisin ang state of public emergency.

“It is for the President to lift the state of public.emergency upon the reccomemdation of DOH,”ayon kay Vergeire.

Ayon kay Vergeire tumataas pa ang kaso sa ibang lugar bukod pa sa maraming sub variant ang pumasok sa maramung lugar.


Nagbabala rin si Vergeire na posibleng magkaroon ng pagtataas ng kaso ng COVID19 sa darating na Hulyo at Agosto dahil sa “low booster”.

Nabatid na may 40 lugar sa bansa na highly-urbanized ay hindi pa naabot ang vaccine target at kung mababa ang bakunahan ay hindi dapat magpa kampante.


Gayundin,maraming dapat ikunsidera sa pag-alis ng state of public health emergency at marami umanong nakatali diyan tulad ng price control.

Samantala, sa optional na pagsusuot ng facemask,sinabi Vergeire na ito ang huling tatanggalin ng gobyerno dahil 40% ang proteksiyon na ibinibigay nito laban sa respiratoy illness. (Carl Angelo)


Tags: Dr. Maricar Limpin

You May Also Like