Latest News

State of calamity, panatiliin — WHO

Inirekomenda ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin ang state of national calamity sa bansa dahil sa COVID19.

Ayon kay Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ginawa ni Tedros ang rekomendasyon sa kanyang pakikipag pulong kay Marcos noong Martes na dumalo sa 73rd session ng WHO regional committee sa Western Pacific.

Sinabi ni Vergeire na unang sinabi ni Marcos na aalisin na niya ang state of state of national calamity and economic activity,nauunawaan naman ni Marcos ang situwasyon at bukas naman siya sa mga payo.


Matatandaan na ang bansa ay inilagay sa 6 nanbuwan national calamitu noong Marao 2020 matapos na mag multiplu ang bilang ng kaso ng COVID19 at pinayagan mg gobyerno na gamitin ang pondo nakalaan sa emergency.

Ito ay 2 beses nai-extend noong Setywmbre 2021 at Setuembre 2022 at nakatakdang matapos sa Disyembre 2022.


Nabatid na tinanong rin ni Marcos si Tedros sa kanyang “fearless forecast” kaugnay sa global COVID-19 situation at sinabi nito na ang mga kaso ay tumataas sa ilang mga bansa dahil sa bagong immune-evasive COVID-19 strains.

Sinabi din ni Tedros kay Marocs ang pagtugon ngayon sa global health care ay iba na sa ngayon dahil marami nang vaccines,antivirals at impprmasyon kung papaano tumugon sa COVID19.


Sinabi ni Tedros na sa kabila nang abot tanaw na ang pagtatapps ng pandemy ay nanatili ang panganib nang mas maraming variants,may mga nasasawi pa rim at hindi pa tiyak ang mga susunod na kaganapan.

Tags: World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus

You May Also Like

Most Read