IPINAHAYAG ng Buckingham Palace na nakatakda ang state funeral para sa yumaong si Queen Elizabeth II sa Setyembre 10 sa ganap na alas-11 ng umaga sa at Westminster Abbey.
Inanunsyo din ng Buckingham Palace na bibigyan ang publiko ng pagkakataong magbigay ng huling respeto kay Queen Elizabeth dahil ilalagak ang kanyang mga labi sa Palasyo ng Westminster mula Sept. 14 hanggang sa umaga ng araw ng kanyang libing.
“The queen’s coffin will travel from Scotland by Royal Air Force aircraft from Edinburgh Airport to London on Sept. 13,” ayon pa sa Buckingham Palace.
Pumanaw si Queen Elizabeth noong Setyembre 8 sa kanyang Balmoral estate sa Aberdeenshire, Scotland sa edad na 96.














