St. John the Baptist Parish Church, sa Taytay, Rizal, isa nang minor basilica

By: Carl Angelo

Pormal nang idineklara ni Pope Francis bilang isang minor basilica ang 16th-century church na St. John the Baptist Parish Church, na matatagpuan sa Taytay, Rizal.

Mismong ang Diocese of Antipolo ang nag-anunsiyo ng desisyon ng Vatican nitong Lunes, o tatlong araw lamang matapos nitong ipagdiwang ang deklarasyon ng International Shrine of Our Lady of Good Voyage sa Antipolo City noong Enero 26.


“Truly, this elevation to Minor Basilica of the Parish Church of Saint John the Baptist is grace upon grace for us in the Diocese of Antipolo,” ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, sa isang pahayag sa website ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Dagdag pa niya, “We acknowledge our responsibility that this minor basilica will always be a channel of God’s overflowing graces, a working instrument of charity to our people, and a welcoming home as we go on our Synodality.”

Nabatid na ang St. John the Baptist Parish Church ang kauna-unahang minor basilica ng 41-taong gulang na diocese.


Inilarawan naman ng diocese ang magandang balita, bilang isa na namang biyaya mula sa Panginoon.

Nabatid na ang titulo ay ipinagkakaloob sa mga simbahan sa buong mundo bilang pagkilala sa kanilang historical o cultural significance, artistic beauty, at kahalagahan sa buhay ng simbahan.


Ang designasyon ay simbolo ng mas malapit na relasyon sa santo papa.

Sa kasalukuyan, ang simbahan ay pinamamahalaan ni Fr. Pedrito Noel Rabonza III bilang parish priest, katuwang sina Fr. Francis Edward Baasis at Fr. Aladin Alisbo Jr., na nagsisilbi namang parochial vicars.


Tags: St. John the Baptist Parish Church

You May Also Like