SPUTNIK, ARESTADO SA DI PAGBABAYAD NG TAXI AT SPA

By: Baby Cuevas

ARESTADO ang isang 36-anyos na miyembro ng Sputnik Gang kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila matapos ipaaresto ng isang taxi driver at isang spa receptionist dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang bill.

Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station ang suspek na si Jericho Moreno,36, miyembro ng Sputnik Gang at taga 142 Mariano Ponce, Barangay 134, Bagong Barrio, Caloocan City.


Ito ay matapos ireklamo ng kasong estafa ng biktimang si Roger Hindoy,42,taxi driver, dahil sa hindi pagbabayad ng halagang P6,000 pasahe sa kanyang taxi; at Glazer Jagong,32, spa receptionist, dahil naman sa hindi pagbabayad ng P700 na bill ng suspek.

Nabatid na unang kinuha umano ng suspek ang serbisyo ng biktima si Hindoy sa halagang P6,000 at nagpahatid kung saan-saan at sa pinakahuli ay sa isang spa sa Sta. Mesa dakong alas- 8 ng umaga.

Pinaghintay umano ng suspek ang biktima sa spa at saka nagpamasahe.


Nang matapos ang serbisyo nito at sinisingil sa kanyang bayad ay wala itong nailabas na pera kaya tumawag ang dalawang biktima sa Avelino Police Community Precinct (PCP) para ipaaresto ang suspek.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 315 ng RPC (ESTAFA) sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station

You May Also Like