Latest News

Spiderman, arestado

ARESTADO ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw ng kable ng PLDT,kamakalawa ng madaling araw sa kahabaan ng Lacson Avenue corner Piy Margal St.Sampaloc,Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 4,ang suspek na si Kurashigi Viray y Juan at taga 517 Balut,Tondo,Maynila.

Ang suspek ay inireklamo ni Sulaiman Uddin y Yanga, 27, Asset Protection Specialist representative ng PLDT.


Sa imbestigasyon,alas-.4:30 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ni Joebert Lampad , security guard, habang bitbit ang PLDT Cable na 300 pairs, 26 gauge approximately 26 meters long na nagkakahalaga ng P51, 762.60.

Sinampahan naman ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office ang suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read