Latest News

Specialized hospital, itatayo sa mga rehiyon

Balak ng Department of Health (DOH) na magtayo ng “specialized hospital” sa iba’t- ibang rehiyon sa bansa.

Sa ginanap na forum,sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na layunin nito na hindi na pimunta sa Maynila ang mga taga-lalawigan para magpa-opera sa puso.


“Lahat kasi ng specialized hospital ay nasa Metro Manila na nakalagay so kinakailangan na magkaroon ng expansion,” ayon kay Vergeire.

Kabilang sa balak idagdag sa mga rehiyon ay ang sangay ng Philippine Heart Center,National Kidney and Transplant Institute NKTI) at iba pang pagamutan na may specialization.

Sinabi ni Vergeire na maraming taongmay sakit sa puso ang lumuluwas pa para magpa-check up at magpa-opera at kung magkakaroon ng expansion ang.mga specialized hospital ay hindi na nila.kailangan na magpunta sa Maynila. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like