Personal na ininspeksyon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang OFW lounge sa NAIA upang tiyaking magiging komportable ang mga paalis na OFWs na gagamit nito. (JERRY S. TAN)

SPEAKER ROMUALDEZ, BINISITA ANG OFW LOUNGE SA NAIA

By: Jerry S. Tan

Personal na binisita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kondisyon ng Overseas Filipino Worker (OFW) Lounge sa NAIA Terminal 1 tupang tiyakin na kapag binuksan na ito sa mga OFWs ay makapagbibigay ito ng sapat na ‘amenities and convenience’ na gaya ng nae-enjoy ng mga pasaherong nagbabayad sa lounges.

Ani Romualdez, ang paggamit ng nasabing bagong lounge ay libre para sa mga OFWs, na pinuri ni Speaker bilang ‘modern-day heroes’ ng bansa.


Ayon pa sa kanya, ang pagbibigay ng nasabing lounge at amenities para sa OFWs ay alinsunod sa kautusan mismo ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na aniya ay nagbibigay ng pinakamataas na pagpapahalaga sa kahalagahan ng OFWs di lamang dahil sa kanilang ambag sa ekonomiya kundi higit pa riyan, ay dahil sa kanilang pag-aalaga sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Romualdez na ‘deserve’ ng mga OFWs ang tratong ‘VIP’ at ang pagkakaroon ng nasabing lounge na maaring gamitin ng mga ito ay naglalayong maibsan kahit paano ang sakit na dala ng pangangailangang iwan nila ang kanilang mga pamilya para maghanapbuhay sa ibang bansa.

Aniya, ang mga lounge ay karaniwang nagagamit lamang nang may bayad ng mga pasahero na naghahanap ng komportableng matatambayan habang naghihintay ng flights, lalo na kapag may flight delay.


Bukod sa mga komportableng upuan, ang mga maaring ma-enjoy ng OFWs sa bagong lounge sa NAIA ay kinabibilangan ng mga libreng pagkain at inumin bukod sa outlets kung saan maari nilang i-charge ang kanilang gadgets.


Tags: House Speaker Ferdinand Martin Romualdez

You May Also Like