SOUTH KOREAN PASSENGER VESSEL NI-RESCUE NG PHILIPPINE NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG passenger vessel ng South Korea ang ni rescue ng Philippine Navy na naka detail sa AFP Northern Luzon Command kamakalawa sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Sa ulat na ibinahagi ng NOLCOM matapos na makatanggap ng dsitress call ay agad na naglayag ang Navy BRP Nestor Reinoso (Patrol Craft 380) na nasa ilalim ng Naval Forces Northern Luzon, Naval Task Force 11, para hanapin ang UDOSARANG 1 isang South Korean Passenger Vessel.

Nagpadala ng emergency alert ang UDOSARANG 1 ng maramdaman nito ang mechanical malfunction habang naglalayag sa dagat sakop ng Burgos, Ilocos Norte, bandang alas 9:00 ng umaga nitong Miyerkules February 05, 2025.
Gad naman itong na monitored ng e Maritime Situation Awareness Center – North (MSAC-N) at Naval Monitoring Detachment Pasuquin (NMD Pasuquin).


Nahihirapan na umano ang barko ng South Korea na maka pag maniobra kaya mabilis na kumilos ang NOLCOM Naval Forces Northern Luzon para hyanapin ang passenger vessel.

Nang magkaroon ng ugnayan ang dalawang sasakyang dagat ay inihatid ng Navy PC380 ang UDOSARANG 1 sa Sual, Pangasinan, para ayusin ang sira ng barko.

Nabatid na may siyam na Filipino ang tripulante ng nasabing vessel na pawang ligtas naman.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like

Most Read