Sorpresang operation greyhound isinagawa sa Davao

By: Arsenio Tan

Nagsagawa ng sopresang “operation greyhound” ang Correction officers sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte para mapigil ang iligal na droga at maalis ang iligal na kontrabando.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), naging epektibo ang ginawang sopresang ‘greyhound operations’ laban sa iligal na droga at kontrabando.


Npag-alaman na isinailalim sa “shakedown” ng Security and Operations Cluster ang Annex Building Dorm B1-206 at ang Prison Preventive Cell.

Hindi naman idinetalye ng BuCor ang mga nakumpiska nilang kontrabando sa ginanap na operasyon.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin ang mga personnel na ipatupad ang umiiral na rules para sa. makataong pagtrato sa mga bilanggo sa panahon ng ‘greyhound operation’.


Tags: Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte

You May Also Like