Solicitation sa mga supplier ng DOH, gamit pangalan ni Herbosa, itinanggi

By: Jaymel Manuel

Nagbabala ang Department of Health(DOH) laban sa mga indibiduwal na nagpapanggap na taga ahensiya at nagso-solicit ng pera sa mga supplier gamit ang pangalan ni Health Secretary Ted Herbosa kapalit ng proyekto .

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DOH na nakatanggap sila ng report na may mga indibiduwal kinakausap umano ng mga ito ang mga supplier ng DOH at humihingi ng pera.


“This claim is false. The DOH will not tolerate such alleged illegal actions. The Secretary as well as the personnel are fully committed to upholding the integrity and maintaining respect accorded to such a public office, as well as the trust of Filipino people, “ayon sa DOH.

Hinikayat ng DOH, ang publiko na maging maingat sa pakikipag usap sa mga indibiduwal na gumagamit sa pangalan nh mga government officials.

Kasabay nito, nanawagan ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng Impormasyon at kumuha lamang ng impormasyon sa opisyal na DOH platforms.


Tags: Health Secretary Ted Herbosa

You May Also Like