Solgen Guevarra, walang alam sa tunnel at hukayan sa NBP

Wala umanong alam si Solicitor- General Menardo Guevarra sa nagaganap na paghuhukay at tunnel na nadiskubre kamakailan sa compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Nabatid na si Guevarra umano ang kalihim ng Department of Justice nang simulan ang paghuhukay at tunnel na nasa loob ng Compound ng NBP.


“As former justice secretary, I had absolutely no knowledge about this alleged excavation inside the NBP compound. The same being an operational matter, the BuCor probably did not find it necessary to inform, much less seek authorization from, the DOJ,” ayon kay Guevarra.

Magugunitang ibinulgar ni Catapang noong nakalipas na linggo ang may 200 meter by 200 meter wide at 30 meters deep na tunnel. Wala umano itong dokumento at hindi awtorisado ng NBP.

Ang paghuhukay ay sikreto at may anim na buwan nang ginagawa gamit ang kagamitan ng BuCor .


Una nang sinabi ni Catapang na posibleng konektado ito sa illegal quarrying o treasure hunting o posibilidad na gagamitin sa pagpapaspaok ng mga kontrabando sa NBP.

Unang sinabi ng suspendidong si BuCor director general Gerald Bantag na ang paghuhukay ay para umano sa isang malalim na swimming pool dahil siya ay isang scuba diver at itinanggi niyang ito ay isang escape tunnel. (Jantzen Tan)


Tags: Solicitor General Menardo Guevarra

You May Also Like

Most Read