Latest News

SOJ REMULLA, DI MAGBIBITIW

Wala umanong balak si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na magbitiw sa kanyang tungkulin sa kabila ng lumalaking panawagan ng kanyang pagbibitiw kasunod nang pagkakaaresto ng kanyang anak sa P1.3 milyon high grade marijuana ,kamakailan sa Las Pinas.

“It will not happen. I will not comment anymore on the other issues there, but it will not happen,” ayon kay Remulla sa kanyang unang press conference mula nang bulisita sa Geneva.

Nabatid na si Juanito Jose III,ay sinampahan ng illegal possession of drugs sa Las Piñas court habang sa ilalim pa ng preliminary investigation sa Pasay City Prosecutors Office ang reklamong importation of illegal drugs.


“That is not my call. I am a very honorable person when it comes to this. It’s the President’s call,”ani Remulla.

“And if I feel later on that I’m not anymore effective in this position then I will talk to the President about what has to be done in the future,” dagdag pa ni Remulla.


Ayon kay Remulla nakausap na niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na supprtado ang kanyang pananatili sa DOJ.

Sinabi umano ni Marcos na bumalik na siya sa kanyang trabaho dahil kailangan umano siya partikular na sa local scene.


Muling inulit ni Remulla na hindi siya makikialam sa kaso ng anak at hindi pa umabo niya ito nakakausap mula nang maaresto noong Oktubre 11.

“I haven’t talked to him actually, since the beginning. I’ve stayed away from the case. I have not talked to anybody. I have not asked anybody any favor,” paliwanag ni Remulla.

Nakausap lamang niya ang kantang pinsan na nagtanggol da kanyqng anak sa aimula pa lamang ng kaso at hanggng doon na lamang ang kanyang naging partisipwasyon sa kaso.

Sinabi pa ni Remulla na kapag may inilabas na resoluyon ay huwag na itong paratingin sa DOJ. (Jaymel Manuel)

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla

You May Also Like

Most Read