Inihayag ni Solicitor-General Menardo Guevarra na hindi pa nagde-desisyon ang International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kahilingan ng Pilipinas na huwag ituloy ang imbestigasyon sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Guevarra.bilang tugon sa napalathalang report na ni-reject ni ICC Prosecutor Karim ang kahilingan ng gobyerno na itigil ang imbestigasyon.
“The ICC Pre-trial Chamber has not ruled on the Philippine government’s request to deny the ICC prosecutor’s motion to resume investigation of the Philippine situation. What was published recently was the ICC prosecutor’s response to the Philippine government’s position on the issue,” ani Guevarra.
Gayunman,sinabi ni Guevarra na anuman ang maging ruling ng ICC sa Pilipinas ay nakahanda ang gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General na gamitin ang lahat ng legal remedies.
“Regardless of the Pre-trial Chamber’s ruling, however, the Philippine government will avail itself of all legal remedies, both domestic and international, even as it vigorously pursues its own investigation and prosecution of crimes committed in relation to the government’s so-called war on drugs, all within the framework of our own legal and judicial system, ” dagdag pa ni Guevarra .
Napag-alaman na sa 21-pahinang tugon na ipinadala sa ICC Pre-Trial Chamber, ni-reject ni Khan ang posisyon ng gobyerno ng Pilipinas.
“The GovPH argues that its criminal justice system generally functions well, and that certain administrative and other mechanisms may or can result in criminal proceedings. However, nothing in the observations nor in the hundreds of pages of associated annexes substantiates that criminal proceedings actually have been or are being conducted in anything more than a small number of cases,”ani Khan.
Noong nakalipas na Disyembre ay ,ini-anunsiyo ng ICC na sinuspinde ang imbestigasyon para pag-aralan ang deferral.letter na hiniling ng Philippine Ambassador to the Netherlands. (Jaymel Manuel)